Buwan ng Wika: Sama-Sama Nating Gunitain!

        Buwan ng Agosto, ang isa sa mga buwang importante para sa ating mga Pilipino. Ang buwan kung kailan ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika o Linggo ng Wika.


(Ilustrayon ni John Ernest R. Vicente)

 
          Ang Buwan ng Wika o Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang at ginugunita lalo na sa mga paaralan.Tuwing sumasapit ang buwang ito, nagkakaroon ng iba't-ibang patimpalak at paligsahan. Sa entablado ay todo-bigay na tumutula, nagbabalagtasan o kaya naman ay nagtatalumpatian at kung anu-ano pa.
          Sa kasalukuyan nga, ang ating paaralang Upper Bicutan National High School ay ginugunita rin ito. Mayroong Sabayang Pagbigkas mula sa ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na taon. Mayroon ding Talumpatian, Masining na Pagbasa, Doodle-Art Making, Slogan Making, at Pagsulat ng Sanaysay. Ang lahat ng iyan ay patungkol sa tema ng Buwan ng Wika sa taong ito na "Wika Natin Ang Daang Matuwid".
          Ngayon ay sama-sama nating isabuhay ang Buwan ng Wika. Sama-sama natin itong ilapat sa ating mga puso't isipan. At kung gayon ay habambuhay nating pahalagahan ang ating wika. Taas-noo nating ipagmalaki na tayo ay may iisang wika sa puso, sa isip, at sa gawa.


                                                                          ni:  Ernestine R. Vicente